Tapos na.
Bago matapos ang buwan ng Marso ay magsusulat na rin ako ng pamamaalam...
Oo! May kaunti na ata kasi akong tapang para magpaalam...
Sa Kanya:
Dumating lahat sa akin ng biglaan.
Hindi ko inaasahan na magiging ganito.
Noong una ay natuwa lamang ako.
Natuwa sayong pagpupursige.
Natuwa sayong nakakatuwang pagtingin sa buhay.
At simula noon ay ipinangako kong mas kikilalanin kita.
at ganun na nga ang nagyari.
Sinubukan kong kilalanin ang pinakakailaliman ng iyong pagkatao.
At dahil doon ay nakita ko ang isang taong inakala ko ay kaya kong ibigay lahat ng pangangailangan.
Mas tumatag ang pagsasama natin sa aking pangako sa aking sarili na ibibigay ko sayo lahat ng kaya kong ibigay.
Ibinigay ko lahat ng kaya ko o higit pa sa akala kong kaya ko.
Pero nagkamali ako.
Hindi pala ako ang hinahanap mo.
Pero masaya ako na nagkakilala tayo...
At masaya din akong minahal kita.
Pero wala na akong magagawa dahil hindi ko na mababago ang nakaraan..
At ito na tayo sa kasalukuyan...
Malayo sa isat-isa..
Malungkot..
pero hindi ko na kasi alam kung ano ang pwede ko pang gawin para maayos ang lahat ng ito...
Hindi nga ako sigurado kung maayos pa ang lahat ng ito...
Kaya kung ano mang mangyari sa hinaharap ay nagpapasalamat na ako sayo
at hindi kita malilimutan...
may malaki ka ng parte sa buhay ko
at aaminin ko hanggang ngayon ay ikaw pa rin...
ikaw pa rin ang nakabalot sa puso ko...
doon man lang ay akin ka...
hanggang doon na lang naman pwede...
Nasaktan ako sa paglayo mo...
Parang itinapon mo lang lahat ng pinagsamahan natin.
Pero wala akong magagawa...
desisyon mo iyon...
Basta tandaan mo na hindi ako ang unang tumalikod...ikaw.
Tutuparin ko ang pangako ko sayo matagal na na hindi ako kailanman tatalikod sayo...
tatandaan mo iyan...
Hay...sana maganda ang hatid sa atin ng hinaharap!
Sana...
Paalam...